Pangulong Duterte, itinangging humingi ng tulong sa China para manalo sa 2016 elections

35

Mariing pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alegasyong tumanggap siya ng tulong mula sa China para manalo sa 2016 elections.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na “civil” lamang ang pakikipag-usap niya kay Chinese President Xi Jinping matapTos siyang maihalal sa pwesto.


“I was just being nice to them. For some people to say that I was helped by China in being president, these idiots. I will never, ever do that. Di bale na ‘di ako mag president,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa palagay niya, ang alegasyong tinulungan siya ng China para manalo sa halalan ay nagmula sa mga tsismis o usap-usapan ng Chinese communities sa bansa.

“What, receiving money from China to buy votes? Maybe in some Chinese communities, the gossip going around was support Duterte. The whole of the Chinese community went for me,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa pagkaka-alala niya, wala siyang natanggap na anumang regalo mula sa Chinese community noong naging alkalde siya ng Davao City.



Ang mga inireregalo sa kanyang mga mamahaling relo, golf sets at baril ay ibinabalik niya.

Muli ring ibinida ni Pangulong Duterte ang pagkakaibigan nila ni President Xi at inalalang tinawagan niya ito para humingi ng karagdagang vaccine supplies.


Facebook Comments