Pangulong Duterte, itinangging may kinalaman sa ikinakasang RevGov

69

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa kinakasang Revolutionary Government o RevGov ng kaniyang mga tagasuporta.

Ayon sa Pangulo, wala siyang pakialam at hindi niya kilala ang mga taong nasa likod nito.


Hindi aniya niya trabaho ang ganitong pagkilos lalo na sa mga panahong nakatutok ang gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Una nang nagpahayag ng pagsuporta para sa bagbuo ng RevGov ang grupong nagpakilala bilang Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Layon ng pagbuo ng RevGov na mapabilis ang pagsusulong ng Pederalismo.

Facebook Comments