Pangulong Duterte, itinangging nagkaroon siya ng secret travel

240

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na wala siyang mga palihim na biyahe sa ibang bansa.

Ito ay kasunod ng mga ulat na lumipad ang Pangulo sa Singapore nitong weekend para magpagamot.


Sa kaniyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi niya itatago kung saan man siya pupunta dahil wala siyang ginagamit na anumang pondo mula sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Pangulo, ginagarantiya rin [sa ilalim ng konstitusyon] ang kaniyang karapatang bumiyahe bilang isang mamamayan ng bansa.

Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasa ‘perpetual isolation’ ang Pangulo.

Nag-post naman si Senator Bong Go ng mga litrato ng Pangulo kasama ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña at kanilang anak na si Kitty kung saan hawak ni Avanceña ang August 17th issue ng Manila Bulletin.




Facebook Comments