Pangulong Duterte kababalik lang ng Metro Mla dahil hindi pinayagang makabyahe kagabi mula Davao city

Pangulong Duterte kababalik lang ng Metro Mla dahil hindi pinayagang makabyahe kagabi mula Davao city.

Dahil sa pagsabog ng bulkang Taal kahapon.

Hindi nakalipad pabalik ng Metro Mla si Pangulong Rodrigo Duterte.


Kada weekend kasi ay umuuwi sa kanyang hometown sa Davao city ang pangulo para makasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo hindi nakabalik kagabi ng Maynila ang Pangulo dahil zero visibility bunsod ng ashfall.

Sinabi pa ni Panelo na anumang oras ay dadating na ang Pangulo pero posibleng sa Clark itong maglanding at tutungo sa Malakanyang by land.

Siniguro naman nitong naka monitor ang Pangulo hinggil sa mga ginagawang hakbang o tulong ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga biktima ng pagsabog ng taal.

Facebook Comments