Pangulong Duterte kinumpirma na may DDS, pero ito ay para labanan ang NPA

17

Manila, Philippines-Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong Davao Death Squad (DDS) sa Davao pero ito aniya ay binuo para labanan ang Sparrow unit ng New People’s Army o NPA

 

Ayon kay Pangulong Duterte sa huling bahagi ng kanyang talumpati, maaaring ipagtanong sa mga matatanda sa Davao City ang nasabing grupo na kilalang DDS-martial law.

 

Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya gumagawa ng palusot dahil nakahanda niyang harapin ang anomang mali niyang nagawa.

 

Pero hindi aniya niya gagawin ang mga inaakusa sa kanya ni dating SPO3 Arthur Lascañas na magpapapatay at ipatatapon lamang ang bangkay.

 

Sa interview naman kay Pangulong Duterte na wala siyang balak na sagutin ang mga paratang sa kanya ni Lascañas dahil mga kasinungalingan lamang ang mga sinabi nito.

Facebook Comments