Pangulong Duterte, magbibigay ng P20 milyon sa bawat barangay na malaya mula sa NPA

963

Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ₱20 milyong halaga ng proyekto sa mga barangay na wala ng presensya ng New People’s Army (NPA).

Nabatid na mayroong ₱19 billion na budget ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng 2021 National Budget.


Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, kabuuang 822 na barangay ang nakatakdang tumanggap ng P20 milyong bilang development assistance.

Ang Department of Budget and Management (DBM) ay mag-iisyu ng circular para sa paglalabas ng budget.

Facebook Comments