Pangulong Duterte, magkakaroon ng sariling TV program

144

Manila, Philippines – Sisimulan na ngayon ng Presidential Communications Operations Office ang Mula sa Masa Para sa Masa TV Program na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatayong isa sa mga HOST.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang layon ng nasabing programa ay iparating sapubliko ang mga proyekto at adhikain ng Pamahalaan mula mismo kay Pangulong Duterte.


Pero wala pa aniyang eksaktong petsa kung kalian ito sisimulan pero malapit na ito.
Matatandaan na noong mayor pa palang si Pangulong Duterte ng Davao City ay mayroon din itong Programa sa telebisyon kung saan inilalapit dito ang mga problema ng kanyang mga constituents.
DZXL558

Facebook Comments