Pangulong Duterte, maglalabas ng EO para sa bakunadong 4Ps beneficiaries

503

Maglalabas ng isang Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte para sa fully vaccinated beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, bibigyan ng insentibo ang 4Ps beneficiaries na fully vaccinated para walang malabag sa mga programa na ipinatutupad ng pamahalaan.

Aniya, maraming 4Ps beneficiaries ang interesado ngayong magpabakuna makaraang magsagawa ang gobyerno ng Remote Family Development Sessions bilang pagtalima sa “no face-to-face meeting policy” sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Layunin nitong, maihatid ang kahalagahan ng pagbabakuna at mailayo ang publiko laban sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 119, 671 na 4Ps beneficiaries na ang tumanggap ng kanilang COVID-19 vaccines.

Facebook Comments