Pangulong Duterte magpapahinga ng 3 araw

Tatlong araw na magpapahinga sa trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo na magsisimula ang pahinga ng pangulo bukas at gugugulin niya ito sa Davao City.

Si Executive Secretary Salvador Medialdea aniya ang tatayo munang officer in charge ng bansa, tulad ng ginagawa nito kapag may biyahe ito sa ibang bansa.


Nilinaw naman ni Panelo na wala namang pangangailangan para sumailalim sa anupamang medical examination o test ang pangulo dahil ang kailangan lamang nito ay sapat na tulog at pahinga.

Ang pagpapabawas ng trabaho ng pangulo ay nagmula na rin sa rekomendasyon ng kaniyang doctor para hindi ito masyadong mapagod at makabawi ng tulog mula sa mga nakalipas na pagpupuyat.

Facebook Comments