Pangulong Duterte, magpapatayo ng foundation para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo

Manila, Philippines – Magpapatayo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang foundation para sa edukasyon ng mga anak ng mga sundalo.

Sa kanyang talumpati sa Camp Leano sa Sultan Kudarat, sinabi ng Pangulo na mayroon na siyang panimulang pondong p20 billion para sa nasabing foundation.

Aniya, target niyang paabutin ito hanggang 50-bilyong piso.


Pinuri at pinasalamatan din ni Duterte ang mga sundalong nakikipagbabakbakan sa Marawi City kasabay ang pangakong ayuda para naman sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Samantala, muli ring iginiit ng pangulo na hindi siya makikipag-usap sa mga terorista.

Hinikayat din nito mga miyembro ng New People’s Army na sumuko at kung kwalipikado ay gagawin niyang mga sundalo.
DZXL558

Facebook Comments