Pangulong Duterte, magsasagawa ng special cabinet meeting sa Davao City

Manila, Philippines – Pupulungin mamaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete sa Panacan sa Davao City.

Ito ay upang pag-usapan ang mga ilalatag na plano upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa harap na rin ng sitwasyon sa Marawi City na naging dahilan ng pagdedeklara ng Pangulo ng Martial Law sa buong Mindanao.

Batay sa official schedule ng Pangulo ay inaasahang sisimulan ang Special Cabinet meeting mamayang 4:00 ng hapon kung saan tatalakayin din ang umiiral na Martial Law.


Matatandaang kagabi ay nagsagawa ng security briefing si Pangulong Duterte kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan pagkadating mula sa Russia bago naman lumipad patungong Davao City.

Inaasahan din namang magbibigay ng report ang mga commanders ng militar sa Marawi kay Pangulong Duterte upang malaman ng pangulo ang mga susunod na hakbang ng pamahalaan.

DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments