Pangulong Duterte, “mahal” ang mga Bicolano; hinanap si VP Robredo

275

Dahil “mahal” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Bicolana, iprinayoridad ng administrasyon ang pagtatayo ng 5.52 kilometer Sorsogon City Coastal Bypass Road.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), hinanap ni Pangulong Duterte si Vice President Leni Robredo.


Nagkamali rin ang pangulo nang sabihin niya na si Robredo ay mula sa Sorsogon.

“The Sorsogon City in Bicol. Inuna namin yan kasi mahal ko ang mga Bikolano,” sabi ng pangulo.

“That’s the territory of our Vice President Leni Robredo. Are you here, ma’am?” tanong ng pangulo.

Bukod sa proyekto sa Sorsogon, ipinagmalaki rin ni Pangulong Duterte ang infrastructure projects ng pamahalaan kabilang ang Clark International Airport sa Pampanga, Poro Point Freeport Zone at Pagadian-Zamboanga City Road.



Si Robredo ay hindi physically present sa SONA kahapon at dumalo lamang sa pamamagitan ng teleconferencing application na Zoom.

Si Robredo ay Bicolano pero tubong Camarines Sur.


Una nang sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo na hindi pa kumpleto ang vaccination ng bise presidente kaya hindi ito makakapunta sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments