Pangulong Duterte mamahagi ng Lupa sa mga MILF BIAF Members sa Maguindanao

35

Pangungunahan ni Presidente Rody Duterte ang gagawing distribution ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga Agrarian Reform Beneficiaries ng Maguindanao.
Sa panayam ng DXMY kay PARO Tommy Biruar ngayong umaga, sinasabing nasa 780 ang mga ARB na makabiyaya ng 834 na Land Title mula sa 1740 hectars mula sa 17 bayan ng lalawigan.
Karamihan sa mga beneficiaries ay mga elemento ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front.
Inaasahang magiging bisita rin sa okasyon si DAR Secretary John Castriciones at DAR ARMM Secreatry Dayan Carlsum Sangkula Jumaide.
Gagawin ang CLOA distribution sa New Provincial Capitol sa bayan ng Buluan.

Facebook Comments