Pangulong Duterte, mananatili sa Bahay Pagbabago ngayong Semana Santa; PRRD, nagpaabot ng mensahe sa publiko ngayong mahal na araw

159

Sa kauna-unahang pagkakataon, mananatili lamang sa Bahay Pagbabago sa Malacañang Park si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Semana Santa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi magtutungo sa Davao City ang Pangulo para makasama ang pamilya ngayong Holy Week, na taon-taon nitong ginagawa.


Nagpasya kasi, aniya, ang Pangulo na huwag na munang umuwi sa Davao, dahil mas kailangan siya rito sa Manila para sa tuluy-tuloy na pagbabantay sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Panelo na nasa maayos na kundisyon ang Pangulo at walang anumang sintomas ng COVID-19.

Samantala, nagpaabot ng mensahe sa publiko ngayong hapon si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa laban sa COVID-19.

Facebook Comments