Pangulong Duterte, mananatiling suportado sa vaccine plan ni Galvez

53

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat pa ring ipagpatuloy ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang ‘game plan’ para sa pagbili ng COVID-19 vaccines kahit may isinasagawang pagdinig sa Kongreso.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, inatasan ni Pangulong Duterte si Galvez na dedmahin ang imbestigasyon at ituloy lamang ang planong pagbili ng karagdagang supply ng bakuna para sa mga Pilipino.


Ang mga pulis at sundalo ang mangangasiwa ng maayos na distribusyon ng COVID-19 vaccines.

Kailangan aniya ito lalo na at walang disiplina ang mga Pilipino lalo na sa pilahan.

Muling iginiit ng Pangulo na ang mga mahihirap at vulnerable sectors ay kasama sa mga ipaprayoridad sa immunization campaign.

Sa ngayon, aabot sa 25 million vaccines doses ang makukuha ng Pilipinas mula sa Sinovac ng China at karagdagang 30 million doses mula sa Serum Institute of India.




Facebook Comments