Pangulong Duterte, mas maraming nagawa kumpara sa nakaraang administrasyon – political analyst

674

Manila, Philippines – Iginiit ng political analyst na si Professor Ramon Casiple na dapat tutukan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang taon nito ang hindi matapos-tapos na problema ng bansa.

Naging positibo ang pananaw ng propesor sa naging performance ng Pangulong Duterte sa unang taon kung saan binigyan niya ito ng pitong puntos sa scale na 1-to 10.

Sa interview ng RMN Manila kay Casiple, ikinumpara niya na mas maraming nagawa ang Pangulo sa dating administrasyon.


Dagdag pa ni Casiple, mahalaga ang political will ng Pangulo at hindi ito kaya ng kanyang gabinete na mag-isang matugunan ang mga problemang nabanggit niya.

Facebook Comments