Pangulong Duterte, masaya sa itinatakbo ng vaccine rollout – Nograles

Satisfied si Pangulong Rodrigo Duterte sa kung paano isinasagawa ngayon ang vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kumpiyansa ang Pangulo na ang buong bansa ay maibababa na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Nasisiyahan ang Pangulo sa nagiging takbo ng pagpapabakuna.


Nais aniya ni Pangulong Duterte na gawing mas agresibo ang immunization program.

Matatandaang ikinukonsidera ng Pangulo na ibaba ang Metro Manila sa MGCQ kung umabot sa halos dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Facebook Comments