Pangulong Duterte, may 3 bwan para makapamili ng susunod na SC Justice

45

Manila, Philippines – Mayroong pang 90 araw si Pangulong Rodrigo Duterte para makapamili ng susunod na mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay kasunod narin ng nakatakdang pagreretiro ni SC Associate Justice Bienvenido Reyes sa July 6, 2017.

Sa isusumiteng shortlist ng Judicial & Bar Council mula sa 12 aspirante, maaaring kumuha ng susunod na mahistrado si Duterte.

Ito na ang ikatlong appointee ni Pangulong Duterte sa Kataas Taasang Hukuman.

Kabilang sa mga sumalang sa interview kahapon sina SC Court Admn Atty Midas Marquez, Court of Appeals Associate Justices na sina Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Stephen Cruz, Ramon Bato, Jose Reyes, Japar Dimaampao, Ramon Paul Hernando, Amy Lazaro Javier at Presiding Justice Andres Reyes Jr.

Gayundin sina Centro Escolar University Vice Dean Atty. Rita Linda Ventura Jimeno at Pasig RTC Judge Rowena Apao-Adlawan.

Facebook Comments