Pangulong Duterte, may desisyon na kung isasapubliko o pribado ang kanyang vaccination

59

Mayroon ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapabakuna siya sa publiko o gawing pribado ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mismo ang Pangulo ang mag-aanunsyo ng kanyang pasya.


Muli ring iginiit ni Roque na mas gusto ng Pangulo na magbakuna gamit ang Chinese vaccine.

Una nang sinabi ng Malacañang na kabilang ang Pangulo sa mga ipaprayoridad sa immunization program dahil isa na siyang senior citizen.

Facebook Comments