Pangulong Duterte, may karapatang maging choosy sa bakuna – Roque

32

Iginiit ng Malacañang na maaaring pumili ng brand ng bakuna si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, si Pangulong Duterte ang may hawak ng mataas na posisyon sa pamahalaan at pasan ang iba’t ibang problema ng bansa.


Bukod dito, nasa senior age na ang Pangulo kaya may karapatan itong pumili ng gusto nitong vaccine brand.

“Kung masusunod talaga, hindi talaga dapat magpabakuna pa si Presidente dahil hindi pa tapos ang mga medical frontliners,” sabi ni Roque.

Una nang sinabi ng Pangulo na hinihintay niya ang isa pang Chinese vaccine alinsunod na rin ng payo ng kanyang doktor.

Nabatid na health workers ang unang prayoridad sa vaccination, kasunod ang mga seniors, vulnerable, mga mahihirap at essential workers.



Facebook Comments