Pangulong Duterte, may listahan na mga posibleng susunod na PNP Chief

366

Inanunsyo ng Malacañang na mayroong shortlist si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga kandidatong magiging susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinauubaya na nila sa Pangulo ang desisyon kung sino ang itatalagang bagong police chief.


Nabatid na aabot sa mandatory retirement age na 56 sa November 10 si PNP Chief Police General Camilo Cascolan, na itinalaga ni Pangulong Duterte noong Setyembre.

Facebook Comments