Pangulong Duterte, mayroong hanggang Oktubre para makapagpasya kung tatakbo sa pagkabise

Wala pang pinal na desisyon kung tatakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabise presidente sa 2022 elections o tuluyan nang magreretiro pagkatapos ng kanyang termino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring magpasya si Pangulong Duterte hanggang Oktubre kasabay ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC).

Sa ngayon kasi aniya, walang kasiguraduhan kung tatakbo siya o hindi.


Bago ito, magugunitang sinabi niya na ang pagtakbo sa pagkabise presidente ay ‘magandeng ideya’ dahil may hindi pa siya natatapos na trabaho, partikular ang paglaban sa ilegal na droga at korapsyon.

Facebook Comments