Pangulong Duterte, muling inulit ang payo na gamitin ang gasolina bilang COVID-19 disinfectant

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang payo sa publiko na gumamit ng langis o gasolina bilang disinfectant laban sa COVID-19.

Ito ang pahayag ng Pangulo kasabay ng kanyang paalala na sumunod pa rin sa COVID-19 health protocols.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, payo ni Pangulong Duterte na magpunta sila sa mga gasolinahan at kapag natapos magpakarga ng sasakyan at humingi ng kakaunting gasolina para panghugas.


Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi siya nagpapatawa sa kanyang suhestyon.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque III na mas nabibigay pa rin ng epektibong proteksyon mula sa virus ang pagsunod sa health protocols.

Nabatid noong Hulyo 2020, ganito din ang payo ng Pangulo sa lahat sa harap ng kakulangan sa supply ng alcohol.

Facebook Comments