Pangulong Duterte, muling ipinagtanggol si Health Sec. Duque

63

Muling dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III mula sa mga kritisismo kaugnay sa pagtugon ng Pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Sa kanyang televised address, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya itatalaga sa posisyon si Duque kung incompetent ito.


Iginiit ni Pangulong Duterte na walang bansa sa mundo ang nakapaghanda sa pandemya.

Nabatid na naglunsad na ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman hinggil sa mga pagkukulang ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 response.

Facebook Comments