Pangulong Duterte, muling nagpasalamat kay Chinese President Xi JinPing

39

Nagpasalamat muli si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa donasyon nitong 600,000 doses ng COVID-19 vaccines.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, umaasa ang Pangulo na balang araw ay masusuklian niya ang kabutihang loob ng China.


Sinabi ng Pangulo na tinawagan niya si President Xi ay nakiusap na huwag kalimutan ang Pilipinas ngayong pandemya.

Bago ito, inihayag na ng Pangulo na gusto niyang pumunta ng China ngayong taon para personal na magpasalamat sa Chinese leader.

Facebook Comments