Pangulong Duterte, nabitin sa ipinasang Death Penalty Bill ng Kamara

72

Manila, Philippines – Nakulangan mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipinasang bersyon ng Kamara sa pagbuhay sa death Penalty o parusang bitay.

 

Matatandaan na ang ipinasang bersyon ng Kamara ay hindi isinama ang kasong rape at plunder sa mga maaaring kasuhan ng capital punishment.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, naipaliwanag naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez at inamin aniya nito na sila mismo sa Kamara ay hindi magkasundo sa issue at nanalo ang nagtulak na alisin ang rape at plunder sa maparurusahan ng bitay.

 

Hindi din naman tiyak si Pangulong Duterte kung lalagdaan nito ang pinal na bersyon para maging ganap na batas sakaling makarating ito sa kanyang opisina.

Facebook Comments