Pangulong Duterte, nagbabala sa pagbabalik ni Trillanes sa 2022 elections

578

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong botante sa muling pagbabalik ni dating Senator Antonio Trillanes IV dahil sa posibleng pagtakbo muli nito sa May 2022 elections.

Sa kanyang pagbisita sa Tandag, Surigao del Sur, nabanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Trillanes nang ihayag ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel na mayroon dapat magpatuloy sa kanyang mga achievement.


Sinabi rin ni Pimentel na dapat makumbinsing tumakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte o si Senator Bong Go.

Dito na sinabi ng Pangulo na mag-ingat at magbantay kay Trillanes.

“Be careful of Trillanes. Magbantay kayo. He will sell you to the devil. Kapag ‘yan nakaupo, patay. Walang hiya ‘yan, totoo lang,” sabi ng Pangulo.

Matatandaang binanatan ng Pangulo si Trillanes matapos niyang idawit ang kanyang anak na si Veronica sa ilegal na droga. – Ito ay may kinalaman sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narcolist” videos.




Facebook Comments