Pangulong Duterte, nagbabalang aarestuhin ang mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19

“Mapabakuna o makukulong sa selda”

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-uutos niyang arestuhin ang ‘anti-vaxxers’ o mga taong tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, hinikayat ni Pangulong Duterte ang lahat na magpabakuna dahil kung hindi ay ipag-uutos niya sa mga local officials na hakutin ang mga taong “potential carrier” ng virus.


Ipalilista ni Pangulong Duterte sa mga barangay captains kung sino-sino sa mga residente ang ayaw magpabakuna.

Huwag na aniya nilang hintayin na pwersahin siya na magpatupad ng mahigpit na patakaran.

Payo pa ng Pangulo, kung ayaw magpabakuna ay umalis na lang sa Pilipinas.

Facebook Comments