Pangulong Duterte, naghahanap na ng bagong PhilHealth President – Duque

101

Naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng papalit kay resigned PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng i-anunsyo ng Pangulo ang bagong pinuno ng PhilHealth sa linggong ito.


Ang hinahanap aniya ng Pangulo ay ang marunong o bihasa sa finance at accounting.

Mahalaga ring mayroong legal background ang susunod PhilHealth Chief.

Iginiit din ni Duque na kailangan pa ring lumahok si Morales at dating PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo Del Rosario Jr. sa mga imbestigasyon kahit nagbitiw sila sa kanilang mga pwesto.

Facebook Comments