Pangulong Duterte, nagkaroon ng bilateral meeting kagabi kina Australian Prime Minister Malcolm Turnball at Brunei Darussalam Sultan Hassanal Bolkiah

76

Pangulong Duterte, nagkaroon ng bilateral meeting kagabi kina Australian Prime Minister Malcolm Turnball at Brunei Darussalam Sultan Hassanal BolkiahManila, Philippines – Sumabak sa dalawang mahahalagang bilateral meetings kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito ang bilateral meeting ng Pangulo kay His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam bandang 6:50 kagabi sa SMX Convention Center, Pasay City.

Tinalakay dito ng dalawang lider ang pagpapalakas sa relasyon ng Pilipinas at Brunei na parehong miyembro ng ASEAN.

Matapos nito, nakipag-pulong rin si Pangulong Duterte kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Napag-usapan ng dalawang lider dito ang alok ng Australian government na tulong sa Armed Forces of the Philippines sa paglaban sa terorismo.

Facebook Comments