Pangulong Duterte, nagpaalala sa public servants na huwag nakawin ang pondo ng bayan kung nais nilang manatili sa gobyerno

26

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na ang sinumang government official na nagnanakaw sa kaban ng bayan ay hindi lamang pahihiyain kundi mawawalan din ng trabaho.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nagbabala ang Pangulo sa mga opisyal na masasangkot sa korapsyon na itutulak niyang mapatalsik ang mga ito sa kanilang pwesto.


Bukod dito, ipapatawag pa niya ang mga ito sa Malacañang at sasampalin niya ang mga ito.

Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na gagawin niya ito hanggang sa matapos ang kanyang termino bilang bahagi ng pinaigting na anti-corruption efforts ng pamahalaan.

Facebook Comments