Pangulong Duterte, nagpasalamat sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng publiko sa loob ng anim na taong panunungkulan

88

Muling nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwalang ibinigay sa kaniya ng mga pilipino para mamuno sa loob ng anim na taon.

Sa kaniyang Talk to the People kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na nakahanda na ang kaniyang administrasyon na ibigay ang pamumuno sa baong mga manunungkulan.

Tiniyak din ng pangulo na magkakaroon ng maayos at mapayapang transition para sa ikabubuti ng bansa.


Aminado naman si Pangulong Duterte na sinadya niyang hindi pansinin ang mga naging kritiko na pumupuna sa kaniyang administrasyon.

Samantala, pinuri din ng pangulo ang mga miyembro ng kaniyang gabinete sa pagtatrabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments