Pangulong Duterte, nakiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

54

“Makakabangon ang bansa sa pandemya”.

Ito ang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa selebrasyon ng ika-123 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.


Nabatid na hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa flag raising ceremony sa Rizal Park sa Maynila, pero nagpadala naman siya ng video message.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na nakiisa siya sa pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Pangulo, nagsilbing bayani ang bawat isa sa atin sa pakikipaglaban sa pandemya tulad ng ginawa ng mga bayani, makamit lang ang kalayaan ng Pilipinas.

Pagtitiyak ng Pangulo na makakabangon ang bansa sa pandemya.



Facebook Comments