Pangulong Duterte, nananatiling kumpiyansa sa bakunang dine-develop ng China

86

Muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kumpiyansa sa bakunang dine-develop ng China laban sa COVID-19.

Sa kanyang public address kagabi, tiniyak ni Pangulong Duterte na ligtas ang mga candidate vaccines ng China.

“Those of you who are asking me kung safe ba itong China: I can say that China is a modern country and it has all the wherewithal… [its] integrity is fully protected by its achievements,” ani Pangulong Duterte.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya ang mga bakuna ng China at Russia at binanatan ang ilang Western Pharmaceutcal Companies na humihiling ng advance payments.

Matatandaang sinabi ng isang Chinese Official na posibleng maging available na kanilang dine-develop na bakuna sa Nobyembre.

Facebook Comments