Pangulong Duterte, nanawagan ng global cooperation sa harap ng pandemya

“No one is safe until everyone is safe.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng kanyang panawagan na magkaroon ng global cooperation para malabanan ang COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati sa Pasay City, muling sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga bakuna ay maituturing na global public good.


Pinuri rin ni Pangulong Duterte sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Inter-Agency Task Force (IATF) at ang Department of Health (DOH) sa mga ginawa nilang efforts para magkaroon ng bakuna ang bansa.

Inaatasan din niya ang lahat ng government agencies na aktibong ipatupad ang whole-of-government approach sa pagtugon sa COVID-19 situation.

Facebook Comments