Pangulong Duterte, nanawagan ng mabilis na rehabilitasyon ng Marawi

23

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Task Force Bangon Marawi na pabilisin ang rehabilitasyon ng Marawi City matapos itong mawasak sa giyera apat na taon na ang nakakaraan.

Ito ang hiling ng pangulo para makabalik na ang mga apektadong pamilya sa kanilang mga tahanan.


Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Duterte na ang limang buwang paglaban ng pamahalaan laban sa ISIS-inspired terrorist sa Marawi, Lanao del Sur ay patunay na hindi mananaig ang lawlessness.

Ang tagumpay aniya sa Marawi ay katibayan na mas matibay ang pagkamakabayan ng mga Pilipino kumpara sa alinmang extremist group.

“I have said before, many times, there is no room for lawlessness in this country,” ani Pangulong Duterte.

Pero aminado si Pangulong Duterte na malayo pa ang lalakbayin bago matapos ang rehabilitasyon ng lungsod.



“Rebuilding a better Marawi remains today, still, not completed,” sabi ng pangulo.

Ang Marawi City ay naging battleground sa loob ng limang buwan sa pagitan ng Maute terrorist group at ng pamahalaan.


Ipagdiriwang ang ika-apat na tayong pagkakalaya nito mula sa mga terorista sa October 23.

Facebook Comments