Pangulong Duterte, nanawagan sa mga makapangyarihang bansa na huwag ipursige ang interes na ikapapahamak ng mga maliliit na bansa

697

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga makapangyarihang bansa na maging responsable at iwasa ang pagsusulong ng interes na ikapapahamak ng mga maliliit na bansa.

Sa virtual 26th Future of Asia Conference, nanawagan si Pangulong Duterte ng mapayapa at maayos na pagresolba ng mga gusot na dahilan para hindi magtulong-tulong ang mga bansa.


Inihayag din ni Pangulong Duterte ang kanyang pagkaalarma sa geopolitical competition ng mga malalaking bansa na nakadadagdag sa regional security issues.

Dapat aniya resolbahin ang anumang sigalot sa mapayapang paraan.

Facebook Comments