Pangulong Duterte, nanawagan sa publiko na ipanalangin ang mundo buhat ng climate change

77

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang Diyos lamang ang makakapagsalba sa mundo lalo na at mararaming problema ang kinahaharap ng sangkatauhan, mula sa pandemya hanggang sa isyu sa climate change.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, hinikayat ni Pangulong Duterte ang publiko na magdasal para sa mailigtas ang lahat.


“There are so many things really coming really our way, problems. If you want to have an advice, if you’re ready to get one, there is only one thing really that can save this planet. It’s God,” sabi ng Pangulo.

Dagdag pa ng Pangulo, mag-aalay rin siya ng dasal sa kanyang Diyos.

Iginiit ng Pangulo na nararamdaman na ng Pilipinas ang epekto ng pag-init ng mundo gaya ng matitinding ulan at malawakang pagbaha.

Aniya, hindi handa ang Pilipinas sakaling tumama ang isang matinding kalamidad na dulot ng climate change.



Napansin din ng Pangulo na nagbabago ang weather patterns kung saan anumang panahon ay pwede nang tumama sa bansa ang bagyo.


Nagpapasalamat din ang Pangulo sa Diyos na hindi nag-iwan ng matinding pinsala ang Bagyong Auring sa bansa.

Facebook Comments