Pangulong Duterte, nanawagang ituloy pa rin ang paggamit ng face shield

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali sya noon sa pagsabing wag nang obligahin pa ang mga Pilipino na gumamit ng face shield.

Sa kanyang pahayag sa Talk to the People, sinabi nitong mali ang kanyang naunang pahayag.

Nagbago aniya ang kanyang pananaw nang pumasok sa bansa ang Delta variant ng COVID-19 na mas nakahahawa.


Ayon sa pangulo, mahalaga ang paggamit ng face shield kasama ang face mask bilang dagdag proteksyon laban sa virus.

Sa ngayon, marami ang nananawagang tanggalin na ang paggamit ng face shield sa bansa dahil bukod sa inconvenient o abala ito at dagdag sa gastusin, bukod-tangi ang Pilipinas dahil ito na lamang ang gumagamit ng face shield sa buong mundo.

Facebook Comments