Pangulong Duterte, nanawagang magkaisa, isantabi ang kulay ng pulitika at manalangin para sa namayapang si dating Pangulong Aquino

723

Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Sa mensahe ng Pangulo, nakikidalamhati siya sa mga naulilang kapatid ni PNoy na sina Ballsy, Pinky, Viel at Kris gayundin sa iba pa nitong mahal sa buhay, kaibigan at supporters.


Ayon pa kay Pangulong Duterte, nasa “better place” na ngayon ang dating Punong Ehekutibo kasama ang lumikha.

Kasunod nito, nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Duterte at isantabi muna ang pagkakaiba at pulitika at magkaisa sa panalangin para sa dating lider ng bansa.

Ani Duterte, mananatili sa puso ng bawat Pilipino ang iniwang legasiya ng pamilyang Aquino na demokrasya.

Facebook Comments