Pangulong Duterte, nangakong susuportahan ang susunod na presidente ng bansa

Sa nalalabing taon ng kanyang termino, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya ang papalit sa kanya at ipagdadasal na magtagumpay siya sa pagsusulong ng mga programang magpapabuti sa buhay ng bawat Pilipino.

Sa kanyang final report na inilabas ng MalacaƱang, sinabi ni Pangulong Duterte na malalampasan ng susunod na presidente ang kanyang mga accomplishments lalo na sa peace and security, economic development at iba pa.

ā€œI would like to assure whoever the next President will be of my unwavering support to his or her Administration,ā€ ani Pangulong Duterte.


ā€œI fervently pray for the next Presidentā€™s success in espousing more initiatives towards our common desire of further enabling each Filipino to attain a more comfortable life,ā€ sabi ng pangulo.

Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang susunod na presidente na humugot ng inspirasyon mula sa Filipino spirit ng bayanihan at sa people-centered development programs na kanynag inumpisahan.

Bagamat puno ng hamon ang kanyang nagdaang limang taon na panunungkulan, tiniyak ni Pangulong Duterte na ipupursige niya ang mga programa para muling buhayin ang ekonomiya at i-angat ang buhay ng bawat Pilipinas sa huling taon niya sa serbisyo.

Facebook Comments