Pangulong Duterte, nanindigan na hindi haharap sa International Criminal Court

142

Muling nanindigan ang Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya haharap sa anumang paglilitis ng International Criminal Court (ICC).

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na ginawa niya ang war on drugs para sa mga Pilipino at hindi naman sa kaniyang sarili.

Iginiit ng pangulo na kapwa Pilipino lamang ang pwedeng magpakulong sa kaniya at mas pipiliin raw niyang manatili sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.


Sa kasalukuyan, itinigil muna ng ICC ang imbestigasyon sa sinasabing crimes against humanity sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil na rin sa hiling ng Philippine government.

Facebook Comments