Pangulong Duterte, nasa Hong Kong na

93

Manila, Philippines – Nakarating na sa Hongkong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang official delegation mula sa Cambodia matapos dumalo sa World Economic Forum.

Bago mag-11 kagabi ay lumapag ang PR001 sa Hong Kong.


Wala namang opisyal na schedule si Pangulong Duterte ngayong araw sa Hong Kong pero mayroong lumalabas na balita na dahil kasama ng Pangulo ang kanyang common law wife na si Honneylete Abansena at anak na si Kitty o Veronica Duterte ay pupunta umano ang mga ito sa hong kong Disneyland pero hindi pa naman ito nakukumpirma sa ngayon.

Samantala, magbibigay naman ng media briefing ang mga Gabinete ng Pangulo mamayang 8 ng umaga.

Bukas pa ng hapon nakatakdang harapin ni Pangulong Duterte ang mga Overseas Filipino Workers dito sa Hong Kong na excited nang makita ang Pangulo at ang kanyang delegasyon.

Pagkatapos harapin ang mga OFW ay agad na dideretsyo ang Pangulo sa Beijing, China para sa kanyang pagdalo sa One Belt One Road Program ng China kung saan inaasahan ng Malacañang na makakakuha ng maraming investments ang Pilipinas mula sa China.




DZXL558

Facebook Comments