Pangulong Duterte, pag-aaralan ang posiblidad ng paggawa ng infomercial kasama si VP Robredo

40

Pag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawa ng infomercial kasama si Vice President Leni Robredo.

Kasunod ito ng kahandaan ni Robredo na gumawa ng infomercial kasama si Pangulong Duterte para mahikayat ang mas maraming Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pag-aaralan pa ni Pangulong Duterte kung mayroong kontribusyon si Robredo sakaling matuloy ang pinaplanong infomercial.

“It will really depend on the President, and the President will assess. Pag-aaralan ng Presidente kung talagang mayroon bang kontribusyon iyong pagsali ni VP Leni sa infomercial na kagaya ng pinaplano ‘no,” ani Roque.

Una nang iminungkahi ng isang senador na mas magiging epektibo ang paghikayat sa publiko na magpabakuna kung mismong sina Pangulong Duterte at VP Robredo ang manghihimok sa mga tao na magpabakuna sa isang infomercial.

Facebook Comments