Pangulong Duterte, pangungunahan ang Baden Powell Day of the World Scout Organization of the Scout Movement (WOSM) and Investiture Ceremony of the Boy Scout of the Philippines (BSP)

399

Manila, Philippines – Hihirangin na ng Boy Scout of the Philippines si
Pangulong Rodrigo Duterte, bilang Chief Scout sa seremonyang isinasagawa sa
Malacañang.

Si Pangulong Duterte ang pampitong Chief Scout ng Boy Scout of the
Philippines kapalit ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.

Base sa Presidential Decree number 460, ang Pangulo ng bansa ay otomatikong
hihirangin bilang Chief Scout ng BSP.

Nabatid na mahigit 2 milyon na ang miyembro ng BSP na pinakamalaking
uniformed youth organization sa bansa at pinamumuuan ng bagong National
President na si Wendel Avisado na pumalit kay dating Vice President Jejomar
Binay na 18 taong naging BSP President.

Facebook Comments