Pangulong Duterte, personal na bibisitahin ang mga nasalanta ng Bagyong Auring sa Caraga region

42

Personal na bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Caraga region ngayong hapon na isa sa malubhang sinalanta ng Bagyong Auring.

Nais ng pangulo na personal na makita kung hanggang saan ang pinsala ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa rehiyon.


Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, nabigyan na ng briefing ang Pangulong Duterte sa naganap na cabinet meeting kagabi hinggil sa sitwasyon sa mga lugar pero magkakaroon pa rin ito ng briefing pagdating nito sa Surigao.

Isasama ng pangulo sa kanyang pagbisita ang ilang miyembro ng gabinete.

Kasabay nito, sinabi ni Nograles na nagsimula na ang pagbibigay ng tulong ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments