Pangulong Duterte, personal na dadalo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Sabado

20

Kinumpirma ni Presidential Spokesperon Sec. Harry Roque na personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, sa Sabado Hunyo a-dose.

Gayunpaman, hindi pa masabi sa ngayon ni Sec. Roque kung saang lugar lalahok sa selebrasyon ng Independence Day ang Pangulo bunsod ng security reasons.


Nabatid na ito na ang huling taon na makadadalo ang Pangulo sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bago matapos ang kanyang termino sa susunod na taon.

Sa mga nakalipas na taon, hindi sumisipot si Pangulong Duterte sa mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan, kundi naglalabas lamang ito ng kanyang mensahe para sa mga Pilipino.

Facebook Comments