Pangulong Duterte, pinabibilisan ang pagpapabakuna sa mga health workers

33

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat mapabilis ang pagpapabakuna sa mga healthcare workers para makausad na ang pamahalaan sa vaccination program.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, nais ni Pangulong Duterte na masimulan na ang pagpapabakuna sa mga senior citizens at persons with comorbidities.


Sagot ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na maaari nang simulan ang vaccination sa mga seniors sa April 1.

Sa ilalim ng prioritization list ng pamahalaan, ang vaccine rollout ay sisimulan sa health workers, susunod ang senior citizens, persons with comorbidities, indigent population at uniformed personnel.

Facebook Comments