Pangulong Duterte pinabomba si Hapilon, umaasang napatay na ito

49

Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iniutos
niya ang pagbomba sa bahay ng lider ng teroristang grupong Abu Sayyaf na si
Isnilon Hapilon.

Ayon kay Pangulong Duterte, dalawang buwan na ang nakalilipas ay iniutos
niya ang pagbomba sa bahay ni Hapilon at simula aniya noon ay hindi na ito
narinig pa.

Kaya naman sinabi ng Pangulo na baka napatay na ito pero istilo din naman
aniya ito ng teroristang grupo, hindi magpapakita o mawawala tapos muling
lulutang.

Umaasa naman aniya siya na napatay na nga ito ng militar.

Sinabi ng Pangulo, si Hapilon ang hinirang na lider ng ISIS sa bansa at
inatasang lumipat sa Central Mindanao para palakasin ang puwersa ng
teroristang grupo sa bansa.

 

Facebook Comments