Pangulong Duterte, pinag-iisipang magbakasyon sa Spratlys

199

Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagbisita sa Spratlys Islands na matatagpuan sa West Philippine Sea.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na nais niyang magbakasyon saan mang bahagi ng bansa, partikular sa Spratlys.


Maaari din siyang mag-imbita ng mga Amerikano na sumama para sa sightseeing tour sa lugar.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte noong 2016 na pupunta siya sa Spratlys sa pamamagitan ng jet ski at magtirik ng watawat ng Pilipinas para ipaglaban ang soberenya ng bansa, pero kinalaunan ay nilinaw niya na isa lamang itong hyperbolic statement para bigyang diing hindi niya isusuko ang mga territorial claims ng bansa sa West Philippine Sea.

Facebook Comments